Action items for 2011

Bagong taon, bagong buhay, bagong pakikisama, bagong trabaho, bagong kaibigan, at ang hindi lang nagbago sa akin ay ang aking katawan. ahihi. :-) Dahil mag-isa ako dito sa aming pamamahay, napagmuni muni ko ang buhay ko sa nakaraan. Madami nga namang nagdaang pagsubok, madaming problema, madaming iniyakan, madaming dahilan ng pagkadalamhati pero eto pa rin ako, sinusubukang maging matatatag at maging matapang sa anu mang pagsubok na aking pagdadaanan.

At dahil panibagong taon, madami akong gustong gawin ngaun na hindi ko nagawa o ipinagpatuloy noon. Naumpisahan ko na sya noon ngunit hindi pinagpatuloy sa kadahilanang wala ng budget. Meron namang, hindi ko man lang inumpisahan dahil wala akong kasama. At higit sa lahat, hindi ko man lang sinubukan dahil tinamad akong gawin.

Kaya ililista ko lahat ng mga gusto kong gawin ngayong taon.

1. Invest in Stocks. Last year ko pa gusto gawin ito kaya lang hindi pa naman ganun ka stable ang aking income. Kulang ako sa budget para dito. So since medyo tumaas taas na ang aking sahod, siguro naman kaya ko ng paglaanan ito buwan buwan. I heard this stuff from Bro. Bo Sanchez, my brother, and to my mom. According to them, mas ok na ung mag invest ka sa stocks kesa ilagay mo sa isang bangko.

2. Continue climbing. Last time na umakyat ako ng bundok ay nung college days pa. I remember my first time na umakyat ng bundok, nilagnat ako sa tuktok. Tiring activity but when you’re at the peak, you’ll feel stress free. Ung tipong, walang problemang bumabalot sa buong pagkatao mo. Ang saya ng feeling na un!

3. Continue blogging. This is my first blog online so I hope, hindi ako tamarin na ipagpatuloy ito.

4. Read more books, less TV. One of my addiction is watching TV. Nung kasama ko pa ang kuya ko sa bahay, naalala ko, palagi nya akong pinapagalitan dahil sa kakapanuod sa mga teleserye sa TV. Kahit maliit na TV pinagtiyatiyagaan ko, makapanood lang ng mga telerserye at mga balita. :-)

5. Continue visiting places in the Philippines. So far, ang mga napuntahan ko palang ay Cebu, Baguio, Tagaytay, Laguna, Pangasinan, at Boracay. May ticket ako dati papuntang (CDO) Cagayan de Oro ngunit hindi ako nakapunta. Nasayang tuloy ang ticket! :-( Lesson? Huwag bibili ng ticket kung hindi kayang mag leave sa work. Make sure first na walang tatamaan sa sched. :-)   Nung ako ay single palang (when I say single, no commitment at all),  isa sa mga pangarap ko ang maglibot libot dito sa Pilipinas. So kahit may bf na ako ngaun, go pa rin ako sa pamamasyal! Isa yata akong lakwatsera.. oppppsss.. pag may pera! :-)

How about you? May nailista ka bang action items mo for this year? I hope so!.. :-)

God Speed! Thank you for reading my first blog..

Posted in Uncategorized | Leave a comment